23 February 2012

Frequently Asked Questions about PANSALT®



Q: Pwede bang gumamit ng PANSALT® ang taong may altapresyon at umiinom na ng gamot para sa altapresyon?

A: Opo! Mas makatutulong ang paggamit ng PANSALT® sa pagkain sa pagpapanatili ng magandang blood pressure. May mga pag-aaral ding nagsasaad na ang PANSALT® ay nakatutulong sa pagpapabuti ng epekto ng gamot para sa altapresyon dahil sa taglay nitong mga essential minerals.
Para sa wastong gabay, ugaliing kumonsulta sa inyong doktor. 

Q: Pwede bang gumamit ng PANSALT® ang mga diabetiko?

A: Ang PANSALT® ay may taglay  na Magnesium na nakabubuti para sa diabetiko. Makabubuti rin para sa diabetiko ang umiwas sa pagkaing mataas sa sodium dahil karaniwang kaakibat ng sakit na diabetes ang altapresyon.
Para sa wastong gabay, ugaliing kumonsulta sa inyong doktor.


Q: Pwede bang gumamit ng PANSALT® ang taong may sakit sa bato?

A: Mas makabubuting kumonsulta sa doktor dahil may mga taong may sakit sa bato na pinagbabawalang gumamit ng anumang uri ng asin sa pagkain. Sa kabuuan, ang PANSALT® ay may mababang sodium at potassium na makatutulong sa pag-iwas sa sakit sa bato.

Q: Pwede bang gumamit ng PANSALT® ang mga bata?

A: Ang PANSALT® ay mabuti pati sa mga bata dahil sa taglay nitong Iodine na tumutulong sa pagpapatibay ng talino ng mga bata. Mabuti ring simulan ng maaga ang paggamit ng low-sodium PANSALT® upang makatulong sa pag-iwas sa pagkakaroon ng altapresyon sa pagtanda.

Q: Ligtas bang gamitin ang PANSALT® araw-araw?

A: Maaring gamitin ang PANSALT® pamalit sa ordinaryong asin sa araw-araw na pagluluto at sa pagtitimpla ng pagkain.
Ang PANSALT® ay aprubado bilang sangkap sa organic foods ng European Commission mula 2001. 

For more information, visit www.pansalt.ph or contact (02) 531-48810917-811-SALT (7258).

No comments:

Post a Comment